Makapangyarihan ang iyong boto

In-Language / Tagalog · Filipino

Kung gusto mo ng pagbabago, ang unang hakbang ay bumoto para dito.

Sa isang mayamang bansa na tulad natin, dapat abot-kaya ng lahat ang mga pangunahing pangangailangan: tahanan, pagkain, at de-kalidad na kalusugan at edukasyon.

Sa ngayon, ang mga masisipag magtrabaho ay nagbabayad ng sobrang buwis, habang 1 sa 3 malalaking korporasyon ay walang binabayarang buwis.

Hindi tayo makakaasa ng ibang resulta kung patuloy tayong bumoboto sa parehong dalawang partido.

May isa pang pagpipilian.

ITO NA ANG PAGKAKATAON NATING MAIHATID ITO PARA SA LAHAT.

Magkakaroon ng minorya na pamahalaan (minority government) at abot-kamay na ng Greens ang mapanalo ang mga puwesto sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Noong huling nagkaroon ng minority government, sinigurado ng Greens ang mga nangunguna-sa-mundong batas sa klima at kalusugan ng ngipin sa ilalim ng Medicare para sa mga bata

Ngayong halalan, mayroon tayong pagkakataon na minsan lang sa bawat henerasyon mangyari.

Ang mas maraming Greens ay maghahatid ng malakas na aksyon sa krisis sa klima, pabahay at kalusugan ng ngipin para sa lahat sa ilalim ng Medicare.

Pipigilan naming magtagumpay si Dutton at pipilitin namin ang Labor na kumilos.

Kung gusto mo ng pagbabago, ang unang hakbang ay bumoto para dito.

Sa pagkakataong ito, iboto ang 1 Greens 

ANG AMING PLANO

  1. Buwisan ang mga bilyonaryo at malalaking korporasyon, upang makalikom ng +$514B
  2. Kalusugan sa ngipin at pag-iisip sa ilalim ng Medicare
    Libreng pagbisita sa doktor
    Mas murang gamot
  3. Mga mortgage na may mababang interes
    Itigil at limitahan ang pagtaas ng upa
  4. Gawing labag sa batas ang sobrang pagtataas ng presyo sa pamilihan: mas murang mga bilihin o groserya
  5. Mabisang aksyon para sa klima: itigil ang coal, gas, at nuclear
  6. Libreng childcare at edukasyon ng mga maliliit na bata (early childhood education) para sa bawat pamilya
  7. Libreng pananghalian sa mga paaralan & Ganap na pondohan ang mga pampublikong paaralan, tanggalin ang "boluntaryo" na mga bayarin
  8. Libreng Pamantasan at TAFE, burahin ang lahat ng utang ng mga estudyante
  9. Pampublikong pagmamay-ari ng mga renewable energy, solar panel sa mga bahay at negosyo
  10. Katotohanan, Kasunduan, Katarungan para sa mga First Nations People
  11. Itaas ang pensiyon, babaan ang edad ng pagreretiro
  12. Matibay na batas para sa kapaligiran, ipagbawal ang pagputol ng punong kahoy sa mga katutubong kagubatan
  13. 50c na pamasahe sa pampublikong sasakyan
  14. Baligtarin ang mga pagbawas (cuts) ng Labor sa NDIS
  15. Tutulan ang genocide (pag-ubos ng lahi) sa Gaza, itigil ang pakikipagkalakalan ng armas sa Israel
  16. Ibalik ang integridad sa pulitika
  17. Wakasan ang diskriminasyon at rasismo: pagkakapantay-pantay para sa lahat
  18. Ipagtanggol ang mga karapatan ng mga manggagawa, lumikha ng mga trabahong may magandang sahod at patatagin ang mga trabaho, itaas ang sahod
  19. Itaas ang mga kabayaran mula sa Centrelink nang higit sa antas ng kahirapan

Vote 1 Greens

Makapangyarihan ang boto mo, Vote 1 Greens

May apat na pangunahing layunin ang Greens: likas-kayang ekolohiya, demokrasya na may aktibong pakikilahok ng masa, panlipunang katarungan, at kapayapaan at walang karahasan.

Lahat ng aming mga patakaran ay idinisenyo upang makamit ang mga layuning ito.

Kung gusto mo ng pagbabago, ang unang hakbang ay bumoto para dito.

Sa pagkakataong ito, iboto ang 1 Greens 

Pinahintulutan ni Gemmia Burden & Caroline Atkinson, The Greens, 2/18 Lonsdale Street, Braddon ACT 2612